Sun Gazing

Don Bryan Bunag

March 6 to 24, 2021

May nakabubulag sa kadilimang

sapat upang sa liwanag ay masilaw.

May nakasisilaw sa liwanag,

sapat upang ika’y mabulag.

(Bunag, 2021)

Ilang tonelada ng semento lamang ang kailangan

Sapat para ibaon ang kaluluwa ng isang bayan.

Tulad ng aliptaptap na nadarang sa apoy ng gasera,

Kay icarus na malabis na lumipad ,

At sa mga tao na gumawa ng tore sa Babel,

Sana’y a lam natin ang hangganan,

Sana’y hindi tayo mabulag.

(Bunag, 2021)